By: Kasandra Dela Cruz

Apo: Ano ba ‘yan! It’s so mainit dito sa pinas!

Lola: E, paanong hindi iinit ang tirik-tirik ng araw naka jacket ka!

Apo: It’s not jacket lola, it is a coat

Lola: Coat coat ka diyan! Parehas lang iyon at magsalita ka nga ng tagalog! Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo! Para kang conyo mag salita!

Apo: Huh? What’s conyo?

Lola: Ang wikang conyo ay isang barayti ng salita kung saan ang iyong pananalita ay magkahalong ingles at tagalog

Apo: Really? That’s a thing? So conyo ang tawag sa way ng aking pananalita, E what about naman sa mga taong nakakapagsalita ng one or more two languages?

Lola: Ang tawag sa mga taong nakakapagsalita ng isa o dalawang wika ay bilinggualismo

Apo: What about naman doon sa mga nakakapagsalita ng more than two languages?

Lola: Multilingguanismo naman ang tawag don

Apo: Um okay, good to know. I guess I’m a multilinggual, I can speak filipino, english, and spanish e, what about you lola?

Lola: Ako ay bilingguanismo dahil ako’y nakakapagsalita ng tagalog at cebuano

Apo: Cebuano? Diba that’s the language in Cebu, pansin ko lang la, why does it seems like there’s so many languages here in our country? Like mayroong illocano, cebuano, bisaya, at marami pa?

Lola: Ay dahil noong araw buklod buklod and mga tao, iba iba ang namamahala sa bawat pulo kaya’t nabuo ang iba’t ibang dialecto

Apo: Pero la, ngayon na modern na tayo, sa tingin nyo po, paano nagkakaisa ang lahat despite ng iba’t ibang dialect dito sa bansa, differences can create misconceptions and miscommunications, right?

Lola: Syempre apo, ang mga filipino ay likas na marunong din ng tagalog kahit sila man ay illocano, cebuano, o anuman, sadyang matalino at bilinggual tayo kaya’t ano man ang dialecto ay nagkakintindihan tayo

Apo: You have a good point lola, kasi ako madali ko lang na adapt at natutunan ang ibang wika sa pamamagitan ng pagaaral nito at pakikisalamuha sa iba

Lola: Tama yan apo, ayos lang naman kung ibang uri o barayti ng wika ang ginagamit mo, ang saakin lang, mas maganda pa rin na magtagalog ka upang mas maintindihan ka ng ibang tao at para mahasa, mapangalagaan, at mas lalong magamit ang ating katutubong wika

Apo: Okay, I’ll make sure to bear that in mind… I mean, sisiguraduhin ko po na papangalagaan at ipapangalap ko ang ating sariling wika

Design a site like this with WordPress.com
Get started